PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

17 Koreano timbog ng NBI, BI

Ang limang Korean national na sangkot sa illegal online gambling ang  natimbog ng mga tauhan ng NBI sa isinagawang operasyon sa Pasig City, kahapon. (Kuha ni Edd Gumban)
 

MANILA, Philippines -  Labingpitong Korean national, lima dito ay dawit sa on­line betting at online casino habang ang 12 naman ay sangkot sa online fraud ang nalambat ng mga tauhan ng NBI at Bureau of Immigration sa hiwalay na operasyon.

Sa isinagawang operasyon ng NBI, limang Koreano na dawit  sa operasyon ng online sports betting, sports toto at online casino ang nahuli sa pagsalakay sa isang subdivision sa Pasig City, sa ulat kahapon.

Sinabi ni NBI director Dante Gierran, nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga nadakip na sina Cheonji Kim, Ilhwan Yang, Wonsup Yang, Jeong Hyeok Kim  at Moon Kyu Kang.

Ang raid ay isinagawa sa pamamagitan ng Search Warrant kaugnay sa paglabag sa Presidential Decree 1602 (Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling) na may kinalaman sa R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Modus umano ng grupo na magtago ng kanilang aktibidad sa mga exclusive subdivision at ang kinikita ay pasok naman sa money laundering, kung saan nalulugi ng milyones ang kaban ng gobyerno.

Nabatid na nakipagtulungan sa NBI ang Eastern Police District para mapasok ang target area.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala,  binitbit naman ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 12 Korean nationals din na pawang sangkot umano sa online business scam o panloloko.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, na mismong ang South Korea Embassy ang humingi ng tulong sa kanila para sa ikadarakip ng 12  suspek na may tinakasang kasong large scale fraud sa kanilang bansa.

Nitong Miyerkules, Mayo 17, nang madakip ng BI-Intelligence operatives sa isang condominium building sa Makati City ang di pinangalanang mga suspek.

Mga kababayang Koreano ang binibiktima umano ng grupo sa panghihimok na mag-invest sa mga bogus na real estate project sa Pilipinas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: