PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

QC shootout: 3 karnaper, 2 holdaper utas

Sa pagsisiyasat ng  Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene, nare­kober ang dalawang kalibre. 45 pistola at isang kalibre. 38 baril na pawang may mga bala ang chamber, iba’t ibang basyo ng bala at tingga, pitong piraso ng sachet ng shabu at aluminum foil. File

MANILA, Philippines -  Muli na namang naka­puntos ang hanay ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa mga gumagalang kriminal sa lungsod maka­raang tatlong karnaper at dalawang holdaper ang tumumba nang pumalag at makipagbarilan sa mga awtoridad matapos na mambiktima sa hiwalay na insidente kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ng tropa ng QCPD Anti-Carnapping, isa lamang sa mga nasawing karnaper ang nakilala na si Jessie Tan, 41, ng Brgy. Tandang Sora, QC.

Habang isinalarawan   naman ang isa sa pagitan ng edad na 35-40, may taas na 5’2, katamtaman ang katawan at may tattoo ng Agila sa likod at ang isa ay nasa pagitan ng edad na 40-45, may taas na 5’5, payat at may mga tattoo ng sapot ng gagamba at pangalang ‘‘Lito’’ sa dibdib at ‘‘Jhoy’’ sa kanang tagiliran at ‘‘Jovet Calma’’ sa kanyang likod.

Ang mga suspek ang res­­ponsable sa panghoholdap at pagtangay sa taxi (UWK-805) na pinapasada ng bik­timang si Allb Esta, 41, ng  Rodriguez Rizal.

Nangyari ang insidente sa loob ng Neopolitan Business Park na matatagpuan sa Belfast Avenue kanto ng Mindanao Avenue, Brgy. Greater Lagro dakong alas-11:30 ng gabi.

Bago ito, dakong alas-9 ng gabi, habang namamasada ng kanyang taxi ang biktima at sumakay ang mga suspek na nagkunwaring mga pasahero. Gayunman, pagsapit sa Matimpihin St., kanto ng V. Luna, Brgy. Pinyahan, QC, ay biglang tinutukan ng baril ng mga suspek ang biktima sabay deklara ng holdap at nilimas ang kita nito at dalawang cellphone.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, dala ng takot na may mangyaring masa­ma sa kanyang buhay. Nagpasya si Esta na buksan ang taxi at tumalon palabas saka nagsisigaw ng tulong dahilan para tumakas ng mga suspek tanggay ang taxi palayo sa hindi mabatid na direksyon.

Alas-11 ng gabi, isang impormasyon ang natanggap ng  pulisya kung saan nasabat ang tatlong suspect habang nagbabaklas ng isang sasakyan sa loob ng Neopolitan Business Park na nang sitahin ay agad na pinaputukan ang pulisya sanhi para gumanti ng putok ang mga ito at mapatay ang mga suspect.

Sa pagsisiyasat ng  Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene, nare­kober ang dalawang kalibre. 45 pistola at isang kalibre. 38 baril na pawang may mga bala ang chamber, iba’t ibang basyo ng bala at tingga, pitong piraso ng sachet ng shabu at aluminum foil.

Personal ding kinilala ni Esta ang mga suspek na nambiktima sa kanya. 

Samantala, sa isa pang engkuwentro kapwa bumulagta  ang riding in tandem na suspek sa panghoholdap sa isang babaeng travel agent   makaraang manlaban ang mga ito sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Batasan Hills sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang isa sa mga suspek sa pamamagitan ng nakuha ritong lisensya na si Emery Bryan Flores, ng Phase 6, Pilot Area, Brgy. Commonwealth, QC. Habang ang isa ay isinalara­wan sa pagitan ng edad na 20-25, may taas na 5’5, nakasuot ng kulay asul na jacket, short pants, at may tattoo na mukha ng devil sa kanang braso.

Kinilala naman ang bik­tima na isang Jessabel Ra­nido, 22, dalaga, travel agent  at residente ng  Brgy. Manresa.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Kalinisan Extension kanto ng Masbate St., Brgy. Batasan Hills QC, dakong alas-12:10 ng mada-ling araw.

Matapos ang panghoholdap natiyempuhan ng mga nagpapatrulyang pulis ang mga suspek sakay ng isang Suzuki smash motorcycle na for registration. Nang parahin ng mga operatiba ang mga suspek ay humarurot palayo ang mga ito sanhi upang mauwi sa habulan. At pagpapalitan ng putok na ikinasawi ng mga suspect.

Positibo ding itinuro ni Ranido ang mga suspek na nambiktima sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: