^

Metro

78 pulis-Maynila,iniimbestigahan sa ‘tanim-droga’, extortion

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel na may 78 nilang tauhan   ang iniimbestigahan dahil sa magkakahiwalay na kaso ng pagtatanim ng ebidensya at pangingikil ng pera.

Ang kanilang imbestigasyon ay bunsod na rin ng mga impormasyong ibinigay sa kanila ng mga kamag-anak at mismong mga biktima.

Kamakalawa ay naiulat ang umano’y pagtatanim ng iligal na droga ng 25 operatiba ng MPD sa hotel room ng apat na senior citizen.

Isa rito ang namatay nang hindi makayanan ang init sa kulungan, habang naibasura naman ang kaso laban sa tatlong kasama nitong matanda, pero patuloy ang automatic review ng Department of Justice sa hatol, kaya hindi pa rin sila nakakalaya mula sa MPD headquarters.

Tiniyak ni Coronel na binabantayan ng mga awtoridad ang kalagayan ng tatlong senior citizen at iba pang detainees.

Sa katunayan aniya ay may agreement sila sa Manila Health Office inspeksiyunin at isailalim sa  check up  ang mga ito para malaman ang kanilang kondisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with