PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jeep salpok sa poste, lolong tsuper dedo

MANILA, Philippines -  Isang  tsuper na lolo ang nasawi makaraang bumang­ga ang minamaneho niyang jeep sa isang poste ng kur-yente nang makaidlip sa pagmamaneho, kahapon ng madaling araw sa Ma-labon City.

Isinugod sa Pagamutang Bayan ng Malabon ngunit nalagutan din ng hininga ang biktimang inisyal na nakilalang si Jesus Espino Gobion, 64, ng Plaridel, Bulacan.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, minamaneho ng biktima ang isang mahabang jeep sa may C4 Road, Brgy. Taniong, Malabon pa­tungong Maynila dakong alas-12:55 ng madaling araw nang mawalan siya ng kontrol.

Hinihinalang nakaidlip sa pagmamaneho ang biktima dahilan para diretsong bumangga ang sasakyan sa kahoy na poste ng kur-yente. Naputol pa umano ang poste at dumagan sa sasakyan.

Nagawa namang maka­talon sa sasakyan ng lalaking pasahero ni Gobion bago sumalpok sa poste.  Isinugod din sa pagamutan ang naturang pasahero dahil sa pinsalang tinamo niya sa pagtalon. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: