PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Rider lasog sa trailer truck

MANILA, Philippines -  Dead-on-the-spot ang 50-anyos na rider nang magulungan at maipit ng isang trailer truck na nakasabay at tinangka nitong unahan, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Matinding pinsala sa ulo ang   sanhi ng kamatayan ng biktimang si Jose Coloma, residente ng Caloong 1, Valenzuela City.

Kusa namang sumuko  sa Manila District  Traffic Enforcement Unit ang driver ng trailer truck na may plakang AWA-7607 na si Ricky Espidido, Jr., 45, ng Kasiglahan, Montalban, Rizal para sa kakaharaping reckless imprudence resul-ting in homicide and damage to property.

Sa ulat ni SPO1 Arnel Limucot, dakong alas-10:57 ng umaga nang maganap ang aksidente sa north bound ng Delpan Bridge,  sa Tondo.

Sinabi ng pahinante ng trailer truck na si Fredie Cardenas, tinangkang mag-overtake ng motorsiklo ng biktima subalit bumangga umano ito sa nasa unahang tricycle at sumemplang at pumailalim  sa truck. Naipit ang katawan ng biktima sa mga gulong ng truck at nagulu-ngan pa ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: