PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Illegal vendors, illegal terminals sinimulan nang walisin sa Baclaran

MMDA, pasay at parañaque city nagsanib pwersa

MANILA, Philippines -  Sanib-pwersa ang Me-tropolitan Manila Development Authority (MMDA), pamahalaang lungsod ng Pasay at Parañaque kontra  illegal terminal at vendors    sa area ng Baclaran.

Kahapon ay natagpo sina MMDA Officer-In-Charge (OIC) Tim Orbos; Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Pasay City Mayor Antonino Calixto upang magkaisa para  ibalik sa mga motorista at pedestrian ang mga kalyeng inoukupahan ng mga illegal vendors at terminal.

Kahapon din sinimulan   na nilang buwagin ang mga illegal terminal at vendors  sa  Roxas Boulevard at sa mga kalyeng nakapaligid sa  National Shrine of Our Lady of Perpetual Help na mas kilala sa pangalang Baclaran Church.

Dahil ito ang nakikita nilang pangunahing dahilan kung bakit napakatrapik sa naturang mga lugar.

Sinabi naman ni Orbos maaaring i-relocate ang mga illegal vendor malapit sa Hong Kong Plaza, na  kung saan ilalagay dito ang  Southwest Integrated Provincial Terminal (SWPT), na matatagpuan sa Macapagal Avenue, Pasay City at isang ektaryang lupa na pag-aari naman  pamahalaang lungsod ng Parañaque, na tatayuan naman ng flea market  sa Aseana Complex.

“We are not here to abruptly change the whole environment but they (vendors) have to understand the need to address the decades old vending and traffic problems in Baclaran,” ani Orbos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinabi ni Orbos, na nga-yong araw na ito ay sisimulan na nila ang clearing operation sa Roxas Boulevard  Service Road, para aniya  ang limang lanes ay magamit ng mga motorista.

“We will ask them to just occupy only designated areas where they can vend their goods and not occupy the entire lanes until their transfer,”  sabi pa Orbos.

Ipagbabawal din sa lugar ang mga  behikulong naghihintay ng mga pasahero.

Sinuman aniyang lalabag sa naturang programa ay iisyuhan traffic violation ticket.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: