PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pagdinig sa kaso ni Junjun tuloy

MANILA, Philippines – Nakakita ng probable cause ang Sandiganbayan sa kasong graft at falsification ni dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Sa 65-pahinang resolusyon, ibinasura ng Third Division ng anti-graft court ang hirit ni Binay at ng iba pang dawit sa kaso na ibasura ang mga kaso.

“There is probable cause to believe that the crimes of falsification and violation of Section 3 (e) of Republic Act 3019 were committed and that the herein accused are probably guilty thereof; hence, they ought to be arrested and brought to trial,” nakasaad sa desisyon na sinulat ni Sandiganbayan Presiding Justice at Third Division chairman Amparo Cabotaje-Tang read.

Hindi na pinaaresto ng korte si Binay at iba pa dahil sa nauna nang pagpiyansa.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y maanomalyang pagpapagawa ng Makati City Hall Parking Building 2 kung saan inabot ito ng P2.2 bilyon.

Kasama sa nakasuhan ang kaniyang ama at dating Bise Presidente Jejomar Binay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: