^

PSN Palaro

FEU-NRMF; Wang’s-Asia Tech nagparamdam agad sa MBL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinarada ng nagdedepensang  FEU-NRMF-Gerry’s Grill ang pinakabagong all-around player na si Fil-German Glenn Gravengard upang pabagsakin ang Victoria Sports-MLQU,  89-57 sa pagsisimula ng 2017 MBL Open basketball championship sa EAC Sports Center sa Ermita,  Manila.

Agad na nagpakitang gilas ang 6-1 guard na si Gravengard, naglaro sa University of British Columbia Thunderbirds noong  2011-12, sa kanyang 18 pun­tos para ibigay sa FEU-NRMF ang buwena­manong panalo.

Ang 27-taong gulang na Kinesiology graduate, naging bahagi rin ng Steve Nash Fitness Clubs, ay nagbida sa second quarter kung saan umiskor siya ng 11 puntos mula sa drives at mid-range jumpers.

Ang matikas na debut ni Gravengard ay maihahantulad din sa nakabibilib na laro ng kanyang half-brother na si Clay Crellin sa  MBL nung nakalipas na walong buwan.

Si Crellin, na hinirang   na MVP matapos pamu­nuan ang FEU-NRMF sa  MBL title nung Disyembre, ay nag-ambag ng 14 puntos sa kabila ng maagang foul trouble.

Si Erwin Sta. Maria ay umiskor din ng 14 puntos, kabilang ang tatlong triples, habang si ex-PBA star Jerwin Gaco ay nagdagdag ng 12 puntos para sa Tamaraws.

Samantala, sumandal ang Wang’s-Asia Tech sa dalawang pressure-packed free throws ng dating Arellano University mainstay na si  Ralph Salcedo sa huling 11 segundo upang agawin ang panalo laban sa Emilio Aguinaldo College, 82-81.        

vuukle comment

FEU-NRMF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with