^

Police Metro

Miyembro ng Kuratong Baleleng utas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Army Reser­vist na miyembro ng Kuratong Baleleng/Dragon Group ang nasawi matapos na kumasa sa mga otoridad naganap kamakalawa sa Purok 9, Brgy. Carmen Annex, Ozamis City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Anthony Theodore Tamparong, isang Army Reservist 1st Lieutenant  na nasa ilalim ng Army’s 903rd Community Defense Group (CDG).

Batay sa ulat, bandang alas-1:45 ng hapon  habang isinisilbi ng mga operatiba ng pulisya ang search warrant laban sa suspek kaugnay sa  kasong  paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Illegal Possession of Firearms) ay pumalag ito at binaril ang mga una na nauwi sa shootout at tinamaan ang huli na ikinasawi nito.

Narekober  ng mga otoridad sa crime scene ang cal. 45 pistol at mga basyo ng bala  ng cal. 9 MM, cal. 45; 16 piraso ng basyo ng bala ng cal 5.56, mga bala ng cal 38, isang M203 grenade /explosive, sari-saring mga ID’s  at tatlong kahon na naglalaman ng 150 bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

ANTHONY THEODORE TAMPARONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with