^

Police Metro

DOH naglaan ng P100-M para sa may ‘depression’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para umano matugunan ang suliranin sa mental health ay naglaan ang Department of Health ng P100 milyon pondo.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial bilang hakbang sa report ng World Health Organization na tumaas ng 18 porsi­yento  ang bilang ng mga nakaranas ng depression sa buong mundo mula 2005 hanggang 2015 na nagreresulta sa pagpapakamatay.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng WHO ang World Health Day na nakatuon sa paano magagamot ang problema sa depresyon.

Sa datos noong 2005 ay 280 milyon  ang nakaranas ng depresyon habang noong 2015 ay 332 million  na banta sa mga kabataan at hindi rito ligtas ang Pilipinas.

Ayon naman kay Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH, nangunguna sa dahilan ng pagkakaroon ng depression ay ang pag-ibig, same sex relationship, unplanned pregnancy,  problema sa eskuwelahan, pa­milya at health problems.

Kabilang sa sintomas na dumaranas ng depresyon ang isang tao ay ang hindi na ginagawang normal na aktibidad sa araw-araw tulad ng pali­ligo, hindi pagkain, laging malulungkutin at hindi masyadong makausap.

Ayon sa DOH, nagagamot ang depresyon sa pamamagitan ng counselling.

Sa mga nakarara­nas naman nito, maaa­ring tumawag sa HOPELine ng DOH na 02 5584675; 09174673 o sa Globe text line 2919 na bukas 24/7.

vuukle comment

PAULYN JEAN UBIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with