^

Police Metro

Misis inaway ng mister, nagbigti

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng hindi ma­tanggap ng isang 19-anyos na ginang na dalawang buwang buntis ang pag-aaway nilang mag-asawa at sa labis na kalungkutan ay nagawa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon sa kanilang bahay sa Purok 4, Brgy. Camutan, Antipas, North Cotabato.

Ang biktima ay kinilalang si Manilyn Negres na natagpuang nakabitin sa kisame ng kanilang kuwarto gamit ang lubid.

Ayon kay Senior Ins­pector Rolando Dillera Jr., hepe ng Antipas-PNP umaga nang matagpuan ang biktima na nakabigti ng kanyang kapitbahay.

Sa salaysay ng mga kapitbahay sa pulisya na madalas umanong awayin ng mister ang biktima sa tuwing ito ay lasing sa alak.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may naganap na foul play sa kaso.

vuukle comment

MANILYN NEGRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with