^

Pang Movies

Ano bang meron? Sharon ‘di pa give up kay Gabby!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Gusto pa rin ni Megastar Sharon Cuneta na matuloy ang reunion movie nila ni Gabby Concepcion, hindi para sa sarili niya, dahil sabi nga, ano pa ba ang ipu-prove ni Sharon? Lahat ay nakamit na niya simula pa noong pasukin niya ang showbiz. Para sa kanilang fans ni Gabby ang movie kung matuloy dahil hanggang ngayon, nariyan pa rin sila kahit ilang taon na silang hindi nagkasama sa anumang project.

Kaya ang biro na lamang ni Sharon, sana raw kung hindi matuloy ang team-up muli nila ni Gabby, matuloy naman ang isang Sharon movie.

Sa ngayon, busy si Megastar sa taping ng Your Face Sounds Familiar Kids na papatapos na at sa taping ng The Voice Teens na malapit na ring magsimula ang airing.  Tuloy din ang kanyang US concert tour sa June.

Ruru ayaw na talaga kay Gabbi

Break na nga ba ang magka-love team na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia?  Pero kailan ba sila umamin na mag-sweetheart na sila? Almost two years nang magka-love team sina Ruru at Gabbi at ngayon, nagsimula silang mag-asawa sa Encantadia, pero nagkaroon ng twist ang story nang mawala si Alena (Gabbi) at naiwanang mag-isa si Ybarro (Ruru). Doon din nalaman ni Ybarro na siya ang ama ng anak ni Reyna Amihan (Kylie Padilla), at pareho silang na-in love sa isa’t isa.

Alam natin na nawala na si Amihan, pero mas ginusto ni Alena na maging mag-isa na lamang at ayaw sumama sa mga kapatid na Sang’gre. 

May pumalit sa character ni Amihan, naging reincarnation niya si Ariana (Arra San Agustin) ng tribong Punjabwe at simula pa lamang nang magkita at magkakilala sila ni Ariana, iba na ang naramdaman ni Ybrahim, naging malapit agad ang damdamin niya rito.      

Kaya ito agad ang tanong kay Ruru sa set visit ng Encantadia. Kung totoong break na sila ni Gabbi.

Kung sa role raw nila bilang sina Ybrahim at Alena, hiwalay na raw sila talaga pero sa kanilang dalawa wala raw hiwalayang nagaganap.

“Pareho po lamang talaga kaming busy ngayon ni Gabbi, kaya wala kaming time na magkasama,” sabi ni Ruru. “Medyo strict din po ang parents niya at mas priority niya ang kanyang career at family. Pero hindi na po mawawala ang love ko sa kanya.”

Inili-link ngayon si Ruru kay Arra na isa sa mga Starstruck 6 finalists.  Totoo ba ang tweets ng mga fans na si Arra na ang gusto niya ngayon?

“Arra is gorgeous. Nakatrabaho ko na siya sa Karelasyon pero maikli lamang ang role niya roon, nagandahan na ako sa kanya. Ngayong nalaman kong kasama na siya rito sa Encantadia, lalo akong na-curious sa kanya. Lalo siyang gumaganda habang matagal mo siyang titigan.  Masaya siyang katrabaho.  Mahusay siya at kung mapu-push siya sa acting mas huhusay pa siya.”

Arra is 21 years old at graduate na ng BS in Psychology sa La Salle Taft. Nakaranas na rin daw siya ng bashing ng mga netizen nang malamang siya ang papalit kay Kylie bilang si Ariana, pero hindi na raw lamang niya pinansin, mas nagku-concentrate siya sa mga martial arts training niya para sa kanyang role bilang isa sa mga tagapangalaga ng mga brilyante ng Lireo. Hindi pa niya alam kung magkakaroon nga sila ng love angle ni Ruru dahil kung namatay ang ibang tagapangalaga, nakaligtas siya.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with