^

Pang Movies

Andi allergic na kay Jake!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Ang ganda ng ginawang pag-handle, Salve A., ni Andi Eigenmann sa ongoing issue between her and Jake Ejercito, na umamin na openly na siya nga ang ama ng five-year-old na anak ni Andi na si Ellie.

Ellie now carries Ejercito as her legal surname.

But as Andi said, she’d rather not speak for Jake. Nor about Jake.

Kaya, hayan at na-focus tuloy ang usapan nila ni Boy Abunda, nang mag-guest siya sa show ng huli sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) last week, tungkol sa non-showbiz  boyfriend niyang si Emilio Arambulo.

Si Emilio na raw ang lalaking type pakasalan ni Andi someday.

On Ellie, kinder student na siya next year. She seems a delight student daw this early.

Ang ganda nga pala ng role ni Andi sa series na The Greatest Love, gumaganap siyang anak ng isang Alzheimer victim na ginampapan naman ng aktres na si Sylvia Sanchez.

Kasal nina Anne at Erwan matagal pa

Matuloy man ang kasalan between Anne Curtis and her fiancé, Erwan Heussaff, tulad ng ini-announce nilang dalawa, tiyak hindi ito magaganap this May tulad ng napapabalita.

Unang-una na nga, ani Anne, they will only start planning for their wedding after the Holy Week. And did’t she announce, too, na tatapusin niya ang kanyang English movie, Buy Bust, with Direk Erik Matti, bago siya mag-asawa?

Eh, kasisimula lang niyang mag-work para sa pelikula.

In any case, just like her friends na nagsipag-asawa na tulad nina Isabelle Daza and of course, Erwan’s sister Solenn, malamang na sa ibang bansa rin ganapin ang kanilang kasal ni Erwan.

Ang tanong: ipagpatuloy pa kaya ni Anne ang paghu-host ng It’s Showtime, after siyang maikasal?

Payag kayo?! Janine malaki raw ang lamang kay Liza

Like Liza Soberano, marami rin ang naniniwalang beauty queen material si Janine Gutierrez. But like Liza, too, joining a beauty contest, is not Janine’s thing either.

Ayon pa kay Janine sa isang interview, mas type niya raw mag-host ng isang beauty contest kesa  maging participant ng contest.

Besides, both can’t ask for more where their respective showbiz career is concerned.

May serye si Janine, ang Legally Blind kung saan gumaganap siya bilang bulag na abogada. Katatapos lang naman gawin ni Liza ang pelikulang My Ex and Whys kasama ang kanyang ka-love­team at reportedly love partner in real life, Enrique Gil. Balitang gagawa rin sila ng teleserye.

“Well,” anang isang oberver. “Iyan ang lamang ni Liza kay Janine, may film, Star Cinema, ang ABS-CBN. Kaya, nagkaka-pelikula siya.”

But one thing din na ‘di pwedeng ipagkaila, malaki ang agwat nila, kung edad ang pag-uusapan.

Katu-turn 18 lang ni Liza, samantalang 26 naman na si Janine.

K Brosas mapagbigay

Ang ganda naman, Salve A., ng gesture na ginawa ni K Brosas, nang i-donate niya ang napanalunang P10,000, yes P10 thousand, bilang semi finalist together with Chocoleit, in last week’s episode of the game program, Minute To Win It, sa kanilang fellow contestants na mag-asawa, na agad ay eliminated from the contest.

Ang laki ng pasasalamat ng mag-asawa kay K, pati na ng dalawa nilang anak na kasama.

Thank you rin, K.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with