^

Pang Movies

Pia ’di pinatulan ang nanay ng kambal ni Marlon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

How sad naman na lumantad na nga ang girl na nanay ng kambal na anak ni Marlon Stockinger pero model pa rin ang tawag sa kanya, hindi ang tunay na name niya.

Kit Barraquias ang name ng babae na ten years older kay Marlon na nag-promise na hindi na magsasalita o magpapainterbyu.

Kahit mag-ingay pa rin ang girl, ang side pa rin ni Pia Wurtzbach ang type na malaman ng mga tao dahil siya ang sikat.

Intelligent girl si Pia. Alam niya kung ano ang mga isyu na dapat papatulan at dededmahin kaya mabibigo ang intrigera dahil sure ako na hindi sa­sagutin ni Pia ang isyu.

Kahit may anak na, Marlon pinag-iinteresan pa rin

In all fairness, marami ang nagtatanggol kay Marlon na hindi ikatutuwa ng bashers niya.

Ang sey ng defenders ni Marlon, hindi mortal sin na nagkaroon siya ng mga anak sa pagkabinata.

Hindi siya nag-iisa dahil marami ang mga katulad niya na biktima ng sitwasyon.

May mga babae nga na willing na saluhin si Marlon kung sakaling maghiwalay sila ni Pia.

Sila ang mga babae na walang pakialam kung may mga anak ang mhin dahil weakness nila ang mga guwapo na katulad ni Marlon.

May mga tao na kagaya ni Marlon na lalong sumisikat at pinag-uusapan, kesehodang sangkot sila sa mga eskandalo. Wala silang ipinagkaiba ni Hayden Kho, Jr. na dumami ang fans at naging triple ang popularity matapos mag-leak sa Internet ang kanyang mga private video.

Hindi na nga napag-uusapan ang kontrobersya tungkol kay Hayden dahil mas sikat pa sa kanya si Scarlet Snow, ang anak nila ni Dra. Vicki Belo. Ang pagiging loving at doting dad ni Hayden kay Scarlet ang type na pag-usapan ng madlang-bayan, hindi ang kanyang nakaraan.

Pagtatanggol ni Jonas sa alaga, kinabiliban

Overacting naman ang mga nag-spe­culate na malungkot si Pia Wurtzbach sa latest event na dinaluhan niya.

Halata raw sa mukha ni Pia na may dinaramdam ito. Kaloka sila ‘ha? Unang-una, paano nila nabasa ang nasa isip at puso ni Pia?

Malay ba nila kung talagang not feeling well si Pia kaya hindi ito masigla?

Hindi naman porke matamlay si Pia, si Marlon na ang dahilan ‘no?

Sa true lang, mas pinoproblema pa ng ibang mga tao ang isyu tungkol kina Pia at Marlon. Ni hindi nga namin sila napag-usapan ni Jonas Gaffud sa tele­pono.

Si Jonas ang manager ni Pia na iniintriga dahil tinalakan niya ang isang lady reporter na naglagay kay Pia sa hot seat.

Hindi pinag-usapan ang insidente dahil mas marami ang kumampi kay Jonas. Bumilib sila sa pagtatanggol at proteksyon na ibinibigay ni Jonas, hindi lamang kay Pia, kundi sa lahat ng mga alaga niya.

Knows ni Jonas kung kailan siya dapat magsa­lita at kung ano ang ipapayo sa kanyang mga alaga. Siya ang nagsabi kay Daniel Matsunaga na manahimik ito noong kainitan ng isyu tungkol sa break up ng Brapanese actor kay Erich Gonzales kaya madaling namatay ang kontrobersya.

vuukle comment

MARLON STOCKINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with