^

Punto Mo

Nauuhaw na King Cobra, pinainom ng tubig ng mga naawang taga-India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Associated Press

KARANIWANG mailap ang mga ahas ngunit isang king cobra ang marahil ay hindi na nakatiis sa matinding init kaya napadpad ito sa isang maliit na bayan sa India dahil sa paghahanap ng tubig.

Sa halip na kilabutan, naawa ang mga tao sa ahas kaya isang lalaki ang naglakas-loob na lumapit sa cobra upang painumin ito ng tubig.

Iniabot ng lalaki ang isang bote ng tubig kung saan uminom ang uhaw na uhaw na ahas. Binuhusan din niya ng tubig ang ulo nito upang ito’y malamigan.

Alam naman ng lalaki ang panganib sa kanyang ginagawa kaya may hawak-hawak siyang snake catcher o panghuli ng ahas habang pinaiinom niya ang cobra.

Upang makasigurado ay may isa rin siyang kasama na nakahawak sa buntot ng ahas upang hindi ito basta-basta makakapanuklaw.

Natagpuan ang 12-talampakang king cobra sa maliit na bayan ng Kaiga na nakakaranas ngayon nang matinding tagtuyot.

Kaya naman hindi kaagad natakot ang mga taga-Kaiga sa ahas na alam nilang nauuhaw lang dahil sa matinding init kaya lumitaw ito sa kanilang bayan.

Dinala naman ang king cobra sa isang animal care facility matapos itong painumin ng tubig.

vuukle comment

COBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with