^

Punto Mo

Maganda at pangit

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Associated Press

NAKAKALUNGKOT ang nangyari sa isang babaing namatay kamakailan nang operahan sa ilang bahagi ng kanyang katawan na nais marahil niyang baguhin. Hindi pa malaman ang talagang nangyari bagaman iniimbestigahan na ng mga kinauukulan. Maaaring may kakulangan sa bahagi ng mga manggagamot na sangkot sa operasyon o baka hindi kinaya ng katawan ng pasyente ang procedure. Hindi lang ito ang kaso ng mga negatibong implikasyon ng cosmetic surgery na isa pa naman sa magandang pamamaraang medikal na nagagawang retokehin ang anumang depekto o pangit na bahagi sa pisikal na katawan ng tao. Meron ngang sa halip na gumanda ay lalong pumangit makaraang sumailalim sa cosmetic surgery o tinubuan halimbawa ng mga kung ano-anong hindi maganda sa katawan pagkatapos nito.

Kung puwede nga lang, kung mataba ka halimbawa, puwede namang daanin sa ehersisyo at tamang diyeta para pumayat o mabawasan ang taba sa tiyan.  Hindi naman masama ang mismong cosmetic surgery. Dapat siguro sa sinumang gustong sumailalim nito ay magsaliksik muna hinggil sa procedure na gusto niyang ipagawa sa kanyang katawan at kumuha ng pangalawang opinyon sa iba pang doktor.  Magkakaiba kasi ang mga pamamaraan ng iba’t ibang doktor sa panggagamot kahit pa sabihing pare-pareho ang kanilang espesyalisasyon.

Ano nga ba ang maganda at pangit pagdating sa pisikal na katawan ng tao? Sa lipunan kasi natin, marami pa rin ang tumitingin sa panlabas na itsura ng tao kaya naman iyong iba, para marahil hindi mapintasang pangit, dumadayo sa mga beauty clinic para pagandahin ang anumang ipinalalagay na hindi maganda sa kanilang katawan.  Hindi ka maganda kapag bansot ka, sarat ang iyong ilong, masyado kang maitim, tabatsoy, bingot, tadtad ng tighiyawat ang iyong mukha o daming peklat sa iyong hita o kaya masyadong maliit ang iyong dibdib (sa babae) o tisiko ang katawan. Kung hindi ka ba maputi, pangit ka na?  Mabuti pa ang kalbo na tila nagiging fad ngayon lalo na kung macho ang lalaki na hindi tulad noong araw na pinagtatawanan. Pero, sa ibang mga diperensiya o itinuturing na hindi maganda sa katawan, ang meron nito ay naeengganyong sumubok sa mga pamamaraang medikal tulad ng cosmetic surgery para lang magmukhang maganda sa paningin ng ibang tao. 

Hindi naman sila masisisi sa pagsubok sa ilang mga paraan ng siyensiya sa pagpapabago sa ilang bahagi ng katawan kung mareremedyuhan naman talaga.  Isa lang iyon sa kalayaan ng sino man kung saan siya mas masaya.  Kailangan lang maging maingat sa anumang nais nating gawin sa ating buhay.

vuukle comment

MAGANDA AT PANGIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with