^

Punto Mo

EDITORYAL - Bgy chairman na sangkot sa droga, imbestigahan na

Associated Press
EDITORYAL - Bgy chairman na sangkot sa droga, imbestigahan na

FORTY percent ng mga barangay kapitan sa bu-ong bansa ay sangkot sa ipinagbabawal na droga. Kung hindi man protector ng drug syndicate, sila mismo ang nag-ooperate ng drug den at ang matindi, gumagamit din sila ng shabu. Alam ito ni Pres. Rod­rigo Duterte kaya sa tuwing magtatalumpati siya, mayroon siya ipinakikitang listahan ng mga taong sangkot sa illegal drugs at kasama riyan ang mga barangay kapitan, konsehal at kagawad at maski barangay tanod. Nangunguna sa kanyang listahan ay mga pulis, mayor at vice mayor. At walang takot niyang sinasabi na kanyang “papatayin” ang mga sangkot sa droga.

Ayon kay Duterte, magtutuluy-tuloy ang kampan­ya ng kanyang pamahalaan laban sa illegal na droga. Sa pagbaba umano niya sa puwesto ay malinis na sa droga ang bansang ito.

Ayon sa report, 80 percent ng barangay sa buong bansa ay apektado ng illegal drugs. At nangyari ito dahil ang barangay officials kasama na ang kapitan o chairman ay protector ng drug syndicate. Malayang nakakapasok sa barangay ang sindikato sapagkat hawak ng mga ito ang kapitan at mga konsehal. Ang mga sindikato ang nagpondo sa kandidatura ng barangay officials at sinigurong mananalo para malaya nilang magawa ang gusto, particular na ang pagpapakalat ng droga. Hindi sila kokontrahin ng barangay officials kaya naman nagkaroon nang malaking problema sa droga ang komunidad. Maski ang mga liblib na lugar sa barangay ay nakapasok na ang droga at ginagawang halimaw ang mga residente lalo ang mga kabataan. Laganap ang patayan, panggagahasa at iba pang krimen dahil sa droga.

Ang pagkakasangkot ng barangay officials sa illegal drugs ang dahilan kaya gusto niyang ipagpaliban ang eleksiyon sa darating na Oktubre. Kung siya ang masusunod, ia-appoint na lamang mga barangay kapitan.

Habang pinagtatalunan kung mayroong bara- ngay elections, nararapat nang kumilos ang Philippine National Police (PNP) at i-surveilance ang barangay officials na nasa narco-list ni Duterte. Nararapat nang makalos ang mga “salot” para maging matiwasay ang barangay.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with