PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pekeng pera ibinayad sa sabong

MANILA, Philippines -  Kalaboso ang  isang la-laking sugarol makaraang mga  pekeng pera umano ang ipambayad sa kanyang talo sa sabong sa Del Mon-te Cockpint Arena sa Malabon City.

Nakaditine ngayon sa Malabon City Police detention center ang suspek na si Tony Develleres, 47, ng Baesa, Quezon City.  Inireklamo siya ni Ferdinand Gonzales, 47, empleyado ng Del Monte Cockpit Arena.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa loob ng naturang sabungan sa may Del Monte Street, Brgy. Potrero, ng naturang lungsod.  Nabatid na natalo sa kanyang pinustahang manok si Develleres at nagbayad ng P500 bill kay Gonzales.

Nang inspeksyuning mabuti ni Gonzales ang sa­lapi, natuklasan niyang peke ito kaya agad na inulat niya sa guwardiya ng sabu-ngan na humingi naman ng tulong sa mga tauhan ng Police Community Precinct 2. Dito naaresto si Develle­res at nang kapkapan, nakumpiska pa sa kanyang posesyon ang nasa siyam pang piraso ng P500 bills na hinihinalang mga peke rin. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: