PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Rollback sa presyo ng petrolyo

Ang rollback ay pina-ngunahan ng Pilipinas Shell, na nagtapyas  ng halagang P0.80 kada litro sa kanilang  gasolina; P1.10 sa kada litro ng diesel o krudo at P1.20 naman sa kada litro ng kerosene at epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw na ito. STAR/File Photo

MANILA, Philippines -  Isa na namang magandang balita para sa mga motorista dahil muling nagtapyas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis  epektibo ngayong araw na ito ng Martes (Marso 21).

Ang rollback ay pina-ngunahan ng Pilipinas Shell, na nagtapyas  ng halagang P0.80 kada litro sa kanilang  gasolina; P1.10 sa kada litro ng diesel o krudo at P1.20 naman sa kada litro ng kerosene at epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw na ito.

Nag-abiso rin kahapon ang PTT Philippines ng kanilang oil price rollback,    na may kahalintulad na ha-laga at epektibo rin  alas-6:00 ng umaga ngayong araw ng Martes.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ng rollback ang iba pang kompanya tulad ng Total Philippines na may kahalintulad ang halaga.

Ayon sa Pilipinas Shell,  ang rollback ay bunsod nang paggalaw ng presyuhan nito sa world market.

Nabatid, na noong nakaraang linggo (Marso 7) ay nagpatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis, kung saan bumaba ng P0.55 kada litro ang gas; P0.20 sa kada litro ng kerosene at P0.10 sa kada litro ng diesel.         

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: