^

PM Sports

Pagkakataon na ng SMBeer

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang panalo na lang at maiuuwi na ng San Miguel Beermen ang perpetual trophy, ngunit handa naman ang Barangay Ginebra Kings na pigilin  ito sa Game 5 ng best-of-seven championship series ngayong alas-6:30 ng gabi sa 42nd PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ang Beermen ng 42 percent sa 15-of-35 shooting sa three-point area at 48 percent sa 38-of-79 accuracy sa field goal para itala ang 94-85 panalo sa Game 4 para kunin ang commanding 3-1 lead sa serye. Nagwagi rin ang two-peat champion sa Game 1 (109-82) at Game 3 (99-88).

Ang Gin Kings naman na umani lamang ng 22 porsyento sa three-point area at 42 sa field goal ay nanalo sa Game 2, 124-118 via overtime noong Linggo sa Lucena City.

Kung mananalo ang Beermen, ito na ang kanilang ikatlong sunod na All-Filipino Cup title at aangkinin na nila ang Jun Bernardino Trophy na mahigit three-feet ang taas na may bola sa gitna at ang frame ay gawa sa pure gold na nagkakaha-laga ng mahigit kalaha-ting milyong piso. Ito ay isang obra maestra ng sikat na glass sculpture na si Ramon Orlina.

Ang unang desenyo ni Orlina ay inangkin ng Talk ‘N Text nang ito ay nagkampeon ng tatlong sunod sa Philippine Cup mula noong 2011 hanggang 2013.

“Isang panalo na lang pero hindi kami puwedeng mag-relax. Puwede lang kami mag-relax kapag tapos na ang series. Siguradong babawi ang Ginebra  kaya dapat ready kami. Dapat may disiplina kami sa pag-e-execute ng plays at dapat mahigpit ang depensa,” sabi ni SMB center June Mar Fajardo ang Best Player of the Conference, kanyang panglima simula noong 2012.

Sa PBA history, mayroon lamang apat na koponan ang muling nakabangon mula sa 1-3 deficit at dumiretso sa panalo sa best-of-seven series.  At isa na rito ang Ginebra Kings sa First Conference Finals noong 1991.

Para sa never-say-die Gin Kings, hangga’t may pag-asa pa walang susuko at  manatiling matatag hanggang sa huling sandali kaya tuloy ang laban.

“We know how to play with our backs against the wall. We just have to come out for Game 5. We just got to take it game by game. It’s not over yet. We still have one more game left. So we got to come out there and fight for it. We are never-say-die, so we’ve got to live up to that,” sabi ni Joe Devance.

vuukle comment

PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with