^

Pang Movies

Maine kakayod sa birthday

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

The Phenomenal Star Maine Mendoza, will turn 22 years old tomorrow, March 3, pero hindi pa niya alam kung working birthday ito, dahil tuwing Monday, Wednesday at Friday sila naka-schedule mag-taping ng teleserye nila ni Alden Richards sa GMA-7, ang Destined To Be Yours.

Okay daw lamang sa kanya kung may trabaho siya. Wala rin siyang malaking birthday dinner, basta kasama lamang niya ang kanyang family at malalapit na kaibigan.

Sa Saturday kasi ang birthday celebration niya sa Eat Bulaga. 

Tulad noong isang taon, hindi niya alam kung ano ang preparation na inihanda para sa kanya ng show at kung ano ang birthday surprise sa kanya. As for Alden, hindi rin daw niya alam kung ano ang sorpresa sa kanya nito. Marami kasing nagtatanong kung iyon bang laman ng small box na regalo sa kanya ni Alden last year ay ang isusuot niya sa Saturday kay Maine?

Or may iba pa bang surprise sa kanya si Alden tulad noong Boracay trip nila last year? Wala rin daw siyang alam dahil hindi naman nila pinag-uusapan ang tungkol sa birthday niya.

Wala na rin daw siyang birthday gift sa sarili. Pero baka raw ang biyahe na lang nila ni Alden kasama ang tatlong lola na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Wally Bayola, para sa kanilang first show ni Alden na magkasama, ang Kalye Serye sa US.

“Sa April 9 po ay nasa Los Angeles, California kami at sa April 12, sa Brooklyn, New York.  Sana ay makapag-stay pa kami after sa New York, parang iyon na ang summer vacation ko kahit ilang araw lamang.  Babalik po rin kasi kami agad dito ni Alden dahil sa taping namin ng Destined To Be Yours. Tamang-tama pong Holy Week iyong shows namin, kaya wala rin po kaming work dito.”

Pero may birthday wish si Maine, ito ay ang patuloy sanang subaybayan ng mga televiewers at ng AlDub Nation ang kanilang teleserye ni Alden. At nagpasalamat siya sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanilang teleserye.

Happy Birthday Maine at more success!

Character sa Encantadia parami nang parami

Mukhang hindi nauubusan ng idea ang mga writer at si Direk Mark Reyes para sa telefantasiya ng GMA-7 na Encantadia dahil patuloy ang pagpasok ng mga bagong character. 

Isa ngang magandang addition si Eula Valdes as Reyna Avria of Etheria. Ibinalik na rin ang character ng cute boy na si PaoPao, si Yuan Francisco, kaya lamang binata na siya, at si Phytos Ramirez na ang gumaganap sa kanya ngayon.

Noong isang gabi, pumasok ang mga bagong characters mula sa tribo ng Punjabwe na kilala sa mahusay na pakikipaglaban sa ere. 

Natupad ang matagal nang wish ni Joross Gamboa na makapag-guest man lamang sa epic serye. Gagampanan niya ang role ng isang mandirigma, si Manik. Si Ariana naman ay gagampanan ni Arra San Agustin, one of the finalists ng Starstruck 6. At ang pinuno ng tribo, si Azalan, at gagampanan ni Mark Topacio, ang hunk actor-model na boyfriend ni Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with