^

Pang Movies

Mariel mahihirapang gayahin si Pia

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Inang-ina ang dating ni Sandy Andolong sa pagsasabing all natural ang beauty ng anak niyang si Mariel de Leon na isa sa Binibining Pilipinas hopefuls na iprinisinta sa publiko.

Pangalawang sali na ni Mariel ngayon. Sa unang sali last 2013, hanggang semi-finals lang ang naabot niya.

Pinasok din ni Mariel ang showbiz noon. Eh mukhang ang maging beauty queen ang talagang hilig niya. So kahit second timer, walang keber ang anak nina Sandy at Boyet de Leon, huh! Eh ang balita, isa si Mariel sa early favorites sa mga kandidata, huh!

Of course, mahirap ma-duplicate ang achievement ni Pia Wurtzbach na three times natalo pero nagpursige pa rin and in the end, Miss Universe 2015 ang naging tagumpay niya!

Young actress na produkto ng reality search nagmukhang dyosa sa bagong gawang mukha

Manghang-mangha na ang maraming press sa hitsura ng isang young actress na produkto ng isang reality search. Kumbaga, marami nang “nabago” sa hitsura niya.

Eh may isang press na may natagong picture ng young actress nang nagsisimula pa lang siya. Neneng-nene ang dating at walang masyadong appeal.

Pero nang huling maglabas ng picture ang young actress, aba, iba na ang tangos ng ilong at maging ang boobs at balakang ay lumaki, huh!

Of course, marami namang ganyang sa showbiz pero disimulado ang pagkakaretoke ng iba. Pero ang young actress, mapapa-wow ka talaga to the max, huh!

Eula napapayag na mangkulam

Kilala ng writer-director na si Jason Paul Laxamana si Eula Valdes bilang dramatic actress. Kaya nangamba siya na baka tanggihan nito ang role na witch sa Regal horror movie na Pwera Usog.

“Pero game siya nang tanggapin niya ‘yung role na monstrous. Si Aiko (Melendez) naman, very kalog, down to earth in real life. After the shoot, madalas kaming magkulitan sa Facebook,” saad ni Direk Jason sa blogcon ng movie.

Mas may effort sa kanya ang pagdidirek ng horror dahil taliwas ito sa mga unang films na nadirek niya.

“Meron naman kaming fight director at buti na lang, very cooperative ang lahat lalo na sina Devon (Seron) at Sofia (Andres) na walang reklamo nang ibitin namin sila nang patiwarik!” dagdag pa ng premyadong director.

Higit na mas mara­ ming pasiklab na pananakot ang mapapanood sa Pwera Usog sa Marso 8 lalo na’t gamay na ng Regal ang pulso ng manonoood na mahilig sa katatakutan, huh!

vuukle comment

SANDY ANDOLONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with