^

Bansa

Pagpugot sa Aleman bineberipika pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patuloy ang masusing beripikasyon ng Armed Forces of the Philippines sa intelligence report na pinugutan na umano ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang bihag na Aleman  na si Juergen Gustav Kantner sa isang lugar sa Sulu kamakalawa ng hapon matapos na mabigong magbayad ng P30 mil­yong ransom sa itinakdang taning ng mga kidnappers.

Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na hindi nila maaaring kumpirmahin ang kumakalat na ulat sa Sulu hangga’t walang ebidensya o at hindi nakukuha ang pugot na ulo at katawan ng 70 anyos na Aleman.

Ayon pa sa opisyal, patuloy ang search ope­rations ng tropa ng Joint Task Force Sulu sa ilalim ng superbisyon ni Col. Cirilito Sobejana para mahanap  ang diumano’y katawan at ulo ng pinugutang bihag.

Base sa kumalat na ulat na gumimbal sa  bansa, pinugutan na umano ng grupo ni Abu Sayyaf Sub-Commander Muamar Askali alyas Abu Rami si Kantner bandang alas-3 ng hapon ng Linggo sa kagubatan ng Sitio Talibang, Brgy. Buanza, Indanan, Sulu matapos ang itinakdang ultimatum nitong Peb­rero 26 nang mabigong magbayad ng P30-M ransom ang pamilya ng dayuhang bihag.

Si Kantner at misis nitong si Sabine Merz ay lulan ng yate na naglalayag sa karagatan sa pagitan ng Malaysia at Tawi-Tawi nang dukutin ng mga bandido noong Nobyembre ng nagdaang taon.

Ang bangkay ng misis nito na hubo’t hubad matapos na gahasain pa ng mga kidnappers ay may tama ng bala sa ulo na natagpuan sa inabandonang yate sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Nobyembre 6, 2016.

Sa panig naman ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo patuloy ang search and rescue operation.

vuukle comment

JUERGEN GUSTAV KANTNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with