Coordinator ng CBCP, nilikida
NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang 64-anyos na coordinator ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines matapos itong saksakin at pagbabarilin ng mga hindi nakilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang apo sa bayan ng President Roxas, North Cotabato, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Wilerme Agorde, social action worker ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Cotabato City at peasant leader na nagsisilbing project coordinator ng agrarian reform program ng CBCP national secretariat for social action.
Dahil dito, kinondena ni Kidapawan City Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagpatay sa biktima.
Ayon kay Bagaforo, nakakaalarma na ang kaliwa’t kanang patayan dahil mismong mga taga-simbahan na ang pinapaslang.
Hindi makatarungan na kahit ang mga church worker na nagsisilbi sa mga mahirap ang nagiging biktima ng pagpatay.
- Latest