^

PSN Palaro

Quitoy bagong talento ng Ronda Pilipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tunay na sa LBC Ronda Pilipinas nakakadiskubre ng mga bagong cycling champions.

Isa sa mga bagong talentong umangat ngayong taon ay si Zamboanga City rider Roel Quitoy ng Team Mindanao na nakipagkarera gamit ang mumurahing aluminum bike.

Matapos masira ang kanyang bisikleta, nagkakahalaga lamang ng P12,000, sa Angeles-Subic Stage Three ay pinahiram si Quitoy ng bagong carbon road bike ni Paul Tan na nagresulta sa kanyang pag-angkin sa Calamba, LagunaTagaytay City Stage 10.

Ibinulsa ng 25-anyos na si Quitoy ang premyong P20,000 para sa kanyang lap victory kung saan siya pinauna sa finish line ng nagdedepensang si Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance.

Kahapon ay tumanggap si Quitoy ng full sponsorship mula sa Tomas Bikes Philippines.

“Roel Quitoy of Team Mindanao just received his full sponsorship of a brand new 2017 Totem Sorento LTD Carbon Road bike from us,” pa­hayag ng Totem Bikes Philippines.

“We would like to thank Super team Wheels for pro­viding Roel a carbon wheelset and to Ruel Cru­zado of Multisport Hub Nuvali for making this happen,” nakasaad pa sa kanilang official post.

Ang naturang racing bike ni Quitoy ay nagkakahalaga ng P100,000.

Nang maging viral ang nasabing istorya ni Quitoy ay isang grupo ng cycling lovers sa ka­tauhan ng Superteam Wheels at ni Ruel Cruzado ng Multispoprt Hub Nuvali ang nagtulung-tulong.

Wala namang pagsidlan ang pasasalamat ni Quitoy, nasa kan­yang ikalawang taon na paglahok sa LBC Ronda Pilipinas.

Samantala, pakakawalan ang Stage 12 ng 14-stage bikefest sa Marso 2 sa Guimaras kasunod ang Stage 13 at 14 sa Marso 3 at 4 sa Iloilo City.

 

vuukle comment

LBC RONDA PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with