^

PSN Palaro

Pacquiao kinumpirma ang laban kay Khan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Natural lamang na humanap si Manny Pacquiao ng mas malaking premyo para sa natitira niyang mga laban sa ibabaw ng boxing ring.

Opisyal na kinumpirma kahapon ni Pacquiao sa pamamagitan ng Twitter ang pagkakaplantsa sa kanilang bakbakan ni da­ting light welterweight king Amir Khan sa Abril 23.

“Negotiations between team Pacquiao and team Khan have come to terms for the April 23 bout as this is what the fans wanted,” wika ni Pacquiao sa kanyang Twitter.

Si Khan ang nanguna sa ginawang online poll ng tropa ni Pacquiao para sa gusto ng mga fans na labanan niya.

“My team an I have agreed terms with Manny Pacquiao and his team for a super fight,” sabi naman ni Khan.

Wala pang venue kung saan gagawin ang natu­rang laban ng 38-anyos na si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) at ng 30-anyos na si Khan, (31-4-0, 19 KOs) na posibleng idaos sa Dubai.

Ang grupo mula sa Uni­ted Arab Emirates ay nag-alok kay Pacquiao, itataya ang suot na World Boxing Organization welterweight crown, ng $38 milyon para labanan si Khan.

Si Micahel Koncz, ang Canadian adviser ni Pacquiao, ang nakipag-usap sa nasabing grupo.

Si Khan ay dating re­gular na ka-sparring ni Pacquiao sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach at minsan nang nagsanay sa Pilipinas.

Nauna nang inihayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na si Australian contender Jeff Horn (16-0-1, 11 KOs) ang hahamon sa Filipino boxing icon at gagawin ito sa Brisbane, Australia.

Nag-alok ang Duco Events, isang New Zealand promotional company na namamahala sa boxing career ni Horn, ng premyong $5 milyon kay Pacquiao.

Inagaw ni Pacquiao ang dating suot na WBO welterweight belt ni Jessie Vargas sa kanyang comeback fight noong Nobyembre matapos magretiro noong Abril kung kailan niya tinalo si Timothy Bradley Jr. sa kanilang ‘trilogy’.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with