^

PSN Palaro

Ateneo inilaglag ang UP; La Salle wagi sa UE

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mabilis na dinispatsa ng nagdedepensang De La Salle University at Ateneo de Manila University ang kani-kanilang karibal upang pagsaluhan ang liderato sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tinuhog ng Lady Spi­kers ang University of the East, 25-18, 25-14, 25-16  upang sumulong sa 5-1 rekord.

Minanduhan ni Season 78 Finals MVP Kim Dy ang opensa ng Lady Spikers nang gumawa ito ng 12 puntos samantalang nagdagdag si Tin Tiamzon ng siyam na attacks at dalawang blocks.

Nakapaglatag din ng 41 excellent sets si Kim Fajardo.

“Gusto lang talagang manalo ng mga bata pero hindi pa rin ako satisfied sa galaw nila dahil nasa adjustment period pa kami nga­yon. Hopefully, mas maging maganda ang laro namin sa susunod,” wika ni La Salle mentor Ramil de Jesus.

Agad namang sumunod sa tuktok ng standings ang Lady Eagles nang dungisan nito ang rekord ng University of the Philippines sa ben­disyon ng 25-14-25-19, 25-21 panalo.

Nagsilbing lider si Jia Morado na bumuo ng 38 excellent sets kasama pa ang anim na puntos para panatilihing matayog ang lipad ng Lady Eagles.

Umangat sa parehong 5-1 ang Lady Eagles samantalang nalaglag sa ikatlong puwesto ang Lady Maroons na nahulog sa 4-1 baraha.

Paglalabanan ng La Salle at  Ateneo ang top spot sa Marso 4.

Sa men’s division, igi­nupo ng Ateneo ang UP, 25-18, 26-24, 25-16 upang manatiling malinis ang rekord nito sa anim na laro.

Humataw si Antony Paul Koyfman ng 12 attacks, tatlong blocks at isang ace habang nagdagdag naman si reigning MVP Marck Espejo ng 12 puntos para pamunuan ang Blue Eagles sa panalo.

Laglag ang Fighting Maroons sa 3-2.

Nanaig din ang La Salle laban sa UE, 25-14, 23-25, 25-21, 25-21 para umangat sa 2-4.

Nagtala si Arjay Onia ng 21 puntos habang may tig-12 sina Rafael Del Pilar, Chris Dumago at Levin Dimayuga sa hanay ng Green Archers.

Wala pa ring panalo ang Red Warriors sa anim na pagsalang. 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with