PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Asset ng pulisya, nilikida

MANILA, Philippines - Patay ang isang sinasabing asset ng pulisya nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspect habang ang biktima ay nakahiga at nagpapahinga, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Pascual Padilla, ng  Inocencio St., Brgy. 104, Zone 11 ng naturang lungsod sanhi ng tinamong  tatlong tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon kay Police Supt. Jenny Tecson, chief ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-10:30 kamakalawa ng gabi  sa compound na tinitirhan ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na nakahiga at nagpapahinga  sa isang bangko ang biktima nang biglang sumulpot ang suspect na armado ng baril.

Walang salitang tatlong ulit na pinutukan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pama­maril ay mabilis na tumakas ang suspect habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigas­yon sa insi­dente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: