^

Metro

College stude, inutas ng tandem

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay  ang isang 20-anyos na college student  nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa panayam kay PCP-5 desk officer PO2 Allen Martinez,  ng Caloocan City Police, nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo at katawan  ang biktimang si Evangelo Cuya, 3rd year college student at residente ng Pili St., Brgy. 178 Camarin ng naturang lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspect at sa ikadarakip nito.

Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya, unang nagkayayaang mag-inuman ang biktima at kanyang mga kaibigan na sina Ephram June Bolgado at Junel Ferrer sa Hang-Outs Food Park na matatagpuan sa kahabaan ng Susano Road  ng naturang siyudad.

Nang matapos ang inuman ng  bandang alas-2:00 ng madaling araw ay nag­desisyon na ang mga ito na umuwi.

Sakay ng kani-kanilang motorsiklo sina Bolgado at Ferrer, iniwan ng mga ito ang biktima sa panulukan  ng J.P. Rizal at Lapu-Lapu Sts., Santo Niño Brgy. 178, Camarin.

Hanggang sa dumating ang mga suspect  na kapwa nakasuot ng jacket at helmet habang lulan ng motorsiklong walang plaka  at walang sabi-sabing pinagbabaril si Cuya.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang mga suspect sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ng  ilang concerned citizen ang biktima sa nasabing pagamutan, subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with