^

Metro

3 itinumba sa Pasig

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong lalaking pawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang kritikal naman ang isang babaeng isa ring drug suspect  nang pagbabarilin ng mga riding in tandem sa loob ng kanilang tahanan sa magkakahiwalay na insidente sa Pasig City sa loob lamang ng magdamag.

Batay sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Police Supt. Romulo Sapitula, nabatid na dakong alas-9:40 ng gabi kamakalawa nang unang mapatay sa Villa Tupaz Street, sa Brgy. San Joaquin, Pasig City ang biktimang si Jhonace Ryan Dotaro, 32, at residente ng 22 Villa Tupaz Street, Barangay San Joaquin, Pasig City habang kumakain ng hapunan kasama ang kanyang live-in partner.

Apat na suspek ang bigla na lang umanong pumasok sa kanilang tahanan at  pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan bago tumakas lulan ng dalawang motorsiklo.

Samantala, dakong alas-11:30 naman ng gabi nang patayin ng riding in tandem ang biktimang si Gerard John Amandy, 26, residente ng Lupang Pari, Brgy. San Miguel, Pasig City sa Bolante 1 corner Esquerra Street, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Pagsapit naman ng ala-1:50 ng madaling araw kahapon ay pinatay ng mga hindi pa kilalang suspek sa kanyang tahanan sa 23 Afable Street, Brgy. Sagad, Pasig City, ang biktimang si Ismael Pangcoga, alyas Oteng, 46, watch repairman, at tubong Marawi City habang nagpapahinga sa loob ng kanyang tahanan kasama ang kanyang pamilya.  Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.

Samantala, kritikal naman ang manikuristang si Evelyn Coloma, 45, residente ng Brgy. sa Pasig City, nang pagbabarilin ng mga di kilalang suspek sa loob ng kanyang tahanan dakong 11:40 ng gabi.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na pawang may kinalaman sa illegal na droga ang mga naturang krimen dahil lahat sila ay kasama sa drug watchlist ng mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with