MMDA traffic enforcers, bawal mag-‘Merry Christmas’
MANILA, Philippines – Mariing binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang mga traffic enforcers na huwag babati ng “Merry Christmas” na nagpapahiwatig na manghihingi ng pamasko sa mga motorista ngayong Holiday Season
Ang babala ay ginawa ni MMDA Officer-In-Charge (OIC) at General Manager Tim Orbos maliban na lamang aniya kung ang unang bumati ang mga motorista pwedeng sumagot ng pagbati rin ang mga ito.
Basta ang importante aniya ay hindi ito nagpapahiwatig na nanghihingi ng pamasko sakaling babati ito ng Maligayang Pasko.
“We want to avoid extortion try this Christmas, so para mabuti, iwasan na muna nila to greet Merry Christmas sa mga motorista unless yung motorista ang maunang bumati sa kanila,” ayon kay Orbos
“There is no problem greeting motorists for as long as they do not intend to ask gifts from them,” paglilinaw ni Orbos.
Ayon sa MMDA, nirerespeto at sinusunod lamang nila ang panawagan ni Department ofTransportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade bilang miyembro ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT), na huwag tumanggap ng regalo at mag-solicit ngayong Kapaskuhan.
Samantala, sinabi din ni Orbos, simula sa Disyembre 21 hanggang 24, ipatutupad ang “no day off, no absent policy” sa lahat ng mga enforcer ng MMDA.
- Latest