^

Metro

Portalets sa EDSA, iginiit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Portalets sa EDSA, iginiit

Ito ayon kay Atty Ariel Inton, founder ng naturang grupo ay upang agarang may mapuntahan ang mga commuters at drivers na di maiwasang gumamit ng rest room. File photo

MANILA, Philippines – Iginiit ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection na magtalaga ng mga portable toilets sa kahabaan ng EDSA at iba pang pangunahing lansangan na nakakaranas ng matin­ding traffic laluna kung rush hours.

Ito ayon kay Atty Ariel Inton, founder ng naturang grupo ay upang agarang may mapuntahan ang mga commuters at drivers na di maiwasang gumamit ng rest room.

Anya, mainam na muling i-revive ang mga portable public urinals na pinagawa ni dating MMDA chairman na ngayoy Marikina Rep. Bayani Fernando para may agarang mapuntahan ang driver o pasahero sa oras ng panga­ngaiIangan. 

Ang panawagan ay ginawa ni Inton bilang reaksiyon sa isang video na nag-viral sa social media na isang bus driver ang bumaba  at inihian ang tagiliran ng minamanehong  bus sa EDSA.

Nag- viral din sa social media ang pagbababa ng isang taxi driver sa lolong pasaherong  habang karga ang apo sa may Edsa at nang lumitaw ang taxi driver ay nagsabing pinababa ang kanyang pasahero dahil hindi na matiis ang pananakit ng tiyan.

Binigyang diin ni Inton na maiiwasan ang ganitong mga insidente kung bibigyang pansin ng pamahalaan ang panawagan hinggil sa pagkakaroon ng portalet sa mga lansangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with