^

Metro

Sa on-line gaming ni Jack Lam heneral na nadawit sa suhulan, nagpapa-custody sa NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kusang loob umano na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating Chief Supt. Wally Sombero para boluntaryong magpakustodiya  matapos masangkot sa umano’y ‘suhulan’ kasunod ng pagkakahuli sa mahigit 1,000 na Chinese nationals sa Pampanga na nagtatrabahong walang kaukulang dokumento.

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, nagtungo sa NBI para linisin ang kanyang pangalan matapos na masangkot sa kontrobersiyal  na si  Jack Lam, ang big time online gaming  casino operator.

Nauna nang nakaladkad ang pangalan ni Sombero sa tangka umanong panunuhol ng kampo ni Lam kay Aguirre.

Una nang sinabi ni Aguirre na si Sombero ang kumausap sa kanya at nagsabi na naghahanap umano ng padrino si Lam.

Naganap ang pag-uusap ilang araw matapos maaresto sa Fontana Resort sa Pampanga na pag-aari ni Lam ang 1,316 Chinese nationals na iligal na nagtatrabaho sa mga hindi lisensyadong online gaming na nag-ooperate sa Fontana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with