^

Metro

P.2-M halaga ng ari-arian, naabo sa 2 sunog sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P.2-M ang halaga ng mga ari-arian ang naabo sa magkahiwalay na sunog na naganap sa   Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Taguig City Bureau of Fire Protection (BFP),   ang unang sunog ay naganap alas-3:45 ng madaling araw sa panulukan ng Roldan at MLQU Sts., Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod.

Sinasabing nagmula ang sunog   sa sinusunog na basura at nang mapabayaan ay kumalat ito sa ilang kabahayan.

Matapos itong respondehan ng mga bumbero at maapula ang apoy, alas-5:30 ng umaga nang ideklara itong fireout.

Ang ikalawang sunog naman ay naganap alas-4:30 ng madaling araw, na nagsimula sa isang karinderya sa Block 51, Phase 2, Brgy. Pinagsama Village, Taguig City.

Dahil dito kumalat ang apoy sa ilang kabahayan at establisimento habang inaalam pa ng mga awtoridad kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang naabo at kung ano ang pinagmulan nang pagsiklab ng apoy.

Ayon sa Taguig City BFP, wala namang buhay na nadisgrasya sa insidente at patuloy pa nila itong iniimbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with