^

Metro

Away mag-asawa nauwi sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na tumupok sa may 30 kabahayan sa Mandaluyong City kahapon ng madaling araw, na sinasabing nagsimula sa tahanan ng isang mag-asawang nag-aaway.

Sa ulat ng Mandaluyong City Fire Bureau, nabatid na dakong ala-1:30 ng mada-ling araw nang magsimulang sumiklab ang apoy sa ta-hanan nina Gerald at Andrea Casungkat sa Welfareville Compound, Barangay Addition Hills, habang walang kuryente sa lugar.

Ayon sa ilang residente, narinig nilang nag-aaway ang mag-asawa at posibleng natabig ng mga ito ang kandilang kanilang ginagamit na siyang maaaring pinagmulan ng sunog.

Namataan rin umano ng mga residente na tumatakas ang mag-asawa habang nagaganap ang sunog.

Umabot ng ikalimang  alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog, na tumupok sa tinatayang P200,000 halaga ng mga ari-arian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with