^

Metro

5 pa utas sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy ang hindi mare­solbang mga insidente ng pamamaril sa lungsod ng Caloocan makaraang lima katao ang panibagong na­italang nasawi sa magkakahiwalay na insidente, kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala sa Northern Police District (NPD), dakong alas-10:45 kamakalawa ng gabi nang barilin ng hindi nakilalang salarin si Arnie Casada, 35-anyos. Nabatid na na­ka­tambay sa may Gladys Street, sa Phase 10 Package 3 Brgy. 176 ang bik­tima nang lapitan ng salarin na nakasuot ng face mask at pagbabarilin siya dahilan ng kanyang agad na kamatayan.

Kasunod nito dakong alas-10:25 ng gabi, pinagbabaril rin at napatay ng  mga hindi nakilalang salarin ang 32-anyos na si Mark Francis Remiendo, at isang nakilala lamang sa alyas Kayser sa may Block 56 Lot 13 Villa Luisa North, Brgy. 171 Bagumbong. Nakarinig na lamang ang mga residente ng sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa tumam-bad ang mga duguang bangkay sa kalsada.

Alas-2:15 kamakalawa ng madaling araw nang mapatay naman ang isang alyas Palong at isang hindi pa nakilalang babae sa loob ng bahay sa No. 4226 Sanana Stret, Area D Brgy. 178 Camarin. Inilarawan ang babaeng biktima na blonde ang buhok, nakasuot ng putting t-shirt at dirty white na shorts at nasa 5’5” ang taas.

Nasa kahimbigan na ng tulog ang mga biktima nang puwersahang puma­sok ang mga salarin na nakasuot ng bonnet at facemasks at puntiryahin ang mga biktima.

Sa limang insidente ng pamamaril, patuloy na wa­lang naaresto ang mga tauhan ng Caloocan City Police na mga suspek habang masusi naman umano ang kanilang imbestigasyon sa mga kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with