^

Metro

Mas matindi pang trapik sa EDSA asahan na — MMDA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mas matindi pang trapik sa EDSA asahan na � MMDA

Sa isinagawang survey ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lalu aniyang lolobo ang volume ng mga behikulong bumabagtas kahabaan ng EDSA ngayong buwan ng Kapaskuhan.  Michael Varcas

MANILA, Philippines – Nagpauna na ang Metropolitan Manila Develkopment Authority (MMDA) sa mga motorista na asahan na ang mas matinding trapik sa kahabaan ng EDSA ngayong Holiday Season.

Sa isinagawang survey ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lalu aniyang lolobo ang volume ng mga behikulong bumabagtas kahabaan ng EDSA ngayong buwan ng Kapaskuhan.

Base sa vehicular volume count ng ahensiya, noong Nobyembre 9 ng taong kasalukuyan, nasa 166,357 ka­bu­uang bilang ng behikulo kabilang ang mga motorsiklo ang bumabagtas sa EDSA. Mas mataas aniya ang bilang ng volume ng mga pribadong behikulo at ito ay 132,667.

Ibig sabihin ay tumaas ng 3.17 porsiyento kabuuang volume ng behikulong bumabagtas sa EDSA ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa MMDA, na noong Disyembre 21, 2015 sa ginawa nilang 4th quarter vehicular volume count, nasa 161,248 volume lamang ng behikulo kabilang dito ang mga pribadong behikulo ang bumabagtas sa naturang highway.

Dahil dito, patuloy ang programa ng Inter-Agency  Council on Traffic (I-ACT) at para malunasan ang problemang ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with