^

Metro

‘Bomba’ iniwan sa gate ng Manila City hall

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Bomba� iniwan sa gate ng Manila City hall

Hawak-hawak ng tauhan ng Manila Police District Bomb Squad ang isang ‘‘bomba’’ na natagpuang iniwan sa Natividad St. sa may gate ng Manila City Hall kahapon na hindi naglaon ay idineklarang pekeng bomba. Edd Gumban

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng tensyon  kahapon ng umaga sa Manila City hall nang  matagpuan ang umano’y isang ‘‘bomba’’ sa isang gate dito.

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) Explosive and Ordnance Division sa gate sa Nati­vidad Street sa harap ng Liwasang Bonifacio dakong alas-6 ng umaga upang i-detonate ang bomba na nadiskubreng  peke.

Nabatid na ang  pekeng bomba na may tatlong dynamite sticks, wires, at cellphone ay natagpuan ng street sweeper  na nakila-lang si Junmar nang magtatapon siya ng basura.

Sinabi naman ni Supt. Romeo Desiderio, hepe ng MPD Ermita police station wala umanong explosive component ang natagpuang IED.

Indikasyon lamang ito na nais lamang manakot ng lang sibilyan. Aniya, walang dapat na ikabahala ang   publiko.

Idineklarang cleared ang lugar bandang alas-7:30 ng umaga.

Matatandaang kama­kailan lamang nang matagpuan ang isang IED malapit sa US Embassy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with