^

Metro

Nakadispalko ng pera, naglason

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang 51-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng hindi pa tukoy na kemikal, sa loob ng isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Patrick Auto, residente ng Casanas St., Sampaloc.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting ng Manila Police Dis­trict-Homicide section, dakong alas 10:40 ng umaga ng Linggo nang madiskubre na wala ng buhay ang biktima habang nakahigang patagilid sa inookupang kuwarto sa isang kilalang hotel (na hiniling na huwag nang banggitin sa ulat) na matatagpuan sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Sinabi ng hotel supervisor na  base sa rekord, nagcheck-in mag-isa ang biktima alas-7:14 ng gabi  ng Disyembre 3  at  kinuha nito ang Room 809.

Bago pa umano ang check-out time ay sinubukang abisuhan ang biktima ng cashier pero hindi umano sumasagot sa tawag at nang oras  na mismo ng check-out ay tinungo na lamang ang silid ng biktima.

Nang gamitan ng duplicate key, napansin ng mga staff na nakatagilid sa kama at sinubukang gisingin subalit hindi na gumagalaw kaya ipanabatid sa kanilang supervisor na si Archie Cruz.

Ipasusuri naman ng mga awtoridad ang isang plastic zip lock na nakitaan ng crystalline substance na posibleng  ininom ng biktima kung kaya ito namatay.

Nakuha rin sa drawer ng kuwarto ng biktima ang suicide note na humihingi ng tawad sa mga biktimang maaapektuhan ng kaniyang pagpapakamatay at hiling din na ipa-cremate ang kaniyang bangkay.

“Sa mga nagmamahal sakin, iiwan ko kayo ng hindi nagpapaalam, patawad sa mga nasaktan ko,” bahagi pa ng suicide note. Kahit hindi nakasaad sa suicide note kung ano ang dahilan ng pagpapatiwakal, naniniwala ang kamag-anak na nakipag-ugnayan sa pulisya na pera ang dahilan.

May ‘nasunog’ o nadispalkong malaking halaga ang biktima na posibleng ang pagpapakamatay ang naisip na paraan upang malusutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with