^

Metro

Skyway traffic auxilary, dedo sa truck

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang Skyway traffic auxiliary nang mahagip ng isang trailer truck at magulungan pa ng likurang gulong, habang nagmamando ng trapiko sa intersection ng Quirino Avenue at Pedro Gil St., San Andres, Maynila, sa ulat kahapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Ricardo Fullece, 44 at residente ng Buli, Muntinlupa City dahil sa tinamong pinsala sa ibabang bahagi ng katawan.

Nahaharap naman sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng  trailer truck (NUM-180)  na hila ng tractor head na si Marjoe Marabe, 36, residente ng Barcelona St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Bert Francisco, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD)-Special Investigation and Detection Branch, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling araw ng Sabado, sa nasabing intersection.

Abala umano sa pagmamando sa trapiko ang biktima at hindi inakalang masasagi siya sa pagliko ng mahabang trailer truck.

Nang mabuwal dahil sa pagkakabundol ay pumailalim at nasagasaan ang ibabang bahagi ng katawan ng double tire wheels na nasa hulihang bahagi ng trailer truck.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with