^

Metro

Binentahan ng P22-M ‘gold bars’: Bebot nanggantso ng Hapones, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Binentahan ng P22-M �gold bars�: Bebot nanggantso ng Hapones, arestado

Ang nadakip na sina Marlene Rioveros Buenaventura na nanggantso sa isang Hapones ng may P22-M gold bars na ibinebenta nito sa dayuhan. Kuha ni Miguel de Guzman

MANILA, Philippines - Timbog sa isinagawang entrapment operation ng  mga tauhan ng Anti-Organized Transnational Crime Division (AOCTD) ng Natio­nal Bureau of Investigation ang isang babaeng nakapanloko ng halagang P22-milyon sa isang Japanese national kapalit ang pangakong 52 gold bars sa Makati  City, nitong nakalipas na Disyembre 2.

Kahapon ay iniharap ng NBI sa media ang suspek na si Marlene Rioveros Buenaventura, kasalukuyang nakapiit sa NBI detention facility kaugnay sa inihaing reklamong paglabag sa Republic Act 315 ng Revised Penal Code o Estafa ng isang Japanese national, na tumangging pangalanan para sa kaniyang seguridad.

Sa ulat, nahimok umano ng suspek ang dayuhang biktima na magbigay ng ma-laking halaga para sa kaniya mapunta ang ibibiyaheng mga bar ng ginto na magmumula sa Singapore.

Ang bawat isang gold bar na  tumitimbang umano ng isang kilo ay aabangan na lamang sa pagdating sa Bureau of Customs (BOC) at ang suspek na ang bahala sa proseso.

Nahulog sa mga pambobola ang complainant dahil sa mga ipinakita sa kaniyang mga dokumento na  may permit na sa pagbiyahe ng gold bars hanggang sa pumayag pa ang Japanese na maki-pagkita sa suspek sa Singapore kung saan ipinakita ang 52 piraso ng  gold bar.

Nagbigay ng utay-utay na bayad hanggang sa umabot ng kabuuang  50 milyong Yen o katumbas na P22 milyon ang biktima. Nangako umano ang suspek na sa pinakahu-ling P3.3 milyon noong Oktubre 29, 2016 ay mare-release na sa BOC ang mga ginto na hindi naman nangyari.

Sa halip na makuha na ang mga ginto, muling hini-ngian umano ng P3.3-M ng suspek ang biktima dahil na-forfeit umano ang huling bayad niya.

Dahil sa pagdududa sa suspek, dumulog sa NBI ang dayuhan at ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek nitong Dis. 2, 2016.

Nagkunwaring ibibigay ang hinihinging P3.3-M ay nakipagkita sa suspek ang biktima sa isang hotel sa Makati City at sa aktong hawak na ang marked money ay dinakip ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with