^

Metro

Erap, PRA, at R-II Builders lumagda ng MOU sa P7.4B expansion ng Harbour Centre

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang lumagda ng Memorandum of Understanding  sina  Manila Mayor Joseph Estrada, Philippine Reclamation Authority (PRA) at isang construction consortium hinggil sa P7.4-bilyong expansion ng Manila Harbour Centre sa Tondo.

Ang  paglagda sa kasunduan ay bunsod naman sa utos ni   Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang mga reclamation projects sa Maynila na inaasahang makapagbibigay ng maraming trabaho at pondo hindi lang sa Maynila kundi na rin sa buong bansa.

Nilinaw ni PRA Chairman Alberto Agra. Kakailanganin pa ring kumuha ng mga permit ng mga nagtutulak ng reclamation projects. 

Ayon kay Reghis Romero II, chairman ng R-II Builders, sinabihan siya mismo ni Duterte na nais niyang pabilisin ang Manila Harbour Centre project para sa kaunlaran ng lungsod.

Aniya, inaasahan nilang makakakuha sila ng environmental compliance certificate mula sa DENR, at final approval ng National Economic Development Authority (NEDA) ngayong darating na Enero.

Sa ilalim ng proyekto, ire-reclaim ang 50 ektaryang bahagi ng Manila Bay upang dugtungan ang 79-ektaryang Manila North Harbour Centre, na pinapatakbo ng Harbour Centre Port Terminal, Inc.

Dagdag pa nito, panahon na upang palakihin pa ang Manila Harbour Centre upang mabawasan na ang lumalalang port congestion. Aniya, matatapos ang proyekto sa loob ng isang taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with