^

Metro

Mag-ingat sa mga mapanganib na laruan – EcoWaste

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-ingat sa mga mapanganib na laruan � EcoWaste

Ilang linggo bago ang Pasko ay nagbabala ang grupong EcoWaste Coalition sa publiko na maging maingat sa pagpili at pagbili ng mga laruang pangregalo na maaaring magdulot ng panganib sa mga bata. KRISTINE JOYCE W. CAMPAÑA, file photo

MANILA, Philippines – Ilang linggo bago ang Pasko ay nagbabala ang grupong EcoWaste Coalition sa publiko na maging maingat sa pagpili at pagbili ng mga laruang pangregalo na maaaring magdulot ng panganib sa mga bata.

Inilunsad na ng grupo ang “Kid-Safe Toys Campaign” upang bigyan ng kaalaman ang  konsyumer para matiyak ang karapatan ng mga bata sa ligtas na mga laruan.

Ayon kay Thony Dizon,  Project Protect Coordinator, EcoWaste Coalition, maituturing na “kid-safe” ang isang laruan kung ito ay hindi banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata, laluna sa kanilang utak at katawan.
Para pasimulan ang “Kid-Safe Toys Campaign,” ang EcoWaste Coalition ay namili ng 100 sari-saring mga laruan noong Nobyembre 24-26, 2016 sa mga tindahan sa lungsod ng Caloocan, Makati, Manila, Pasay at Quezon na may halagang P10 hanggang P220 bawat isa.

Sinasabi ng EcoWaste na  ang  10 pinaka delikadong laruan na hindi dapat ibenta ay ang natitiklop na silyang pambata; “wonderful music xylophone”; isang Snorlax na Pokemon; laruang kutsilyo na napakatulis na pwedeng makasugat; mga laruang espada na may matatalas na bahagi na maaaring makahiwa; mga pellet gun na pwedeng makapinsala sa mga mata; isang “Wild Sling Water Baloons” na may 33 pulgadang tali; isang laruang gitara na may disenyong Hello Kitty ; isang laruang bilyar na posibleng malunok dahil sa liit ng mga ito; mga laruang Plants vs Zombies na may mga bahaging maliliit  tulad ng mga metal bearing  na pwedeng makalas at malunok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with