^

Metro

Ngayong Holiday Season: Biyahe ng MRT-3 pinalawig: Train dinagdagan din

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Ngayong Holiday Season: Biyahe ng MRT-3 pinalawig: Train dinagdagan din

Ayon sa LRMC, simula kahapon, Disyembre 3 hanggang   23 ng taong kasalukuyan, ang biyahe ng LRT ay mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

MANILA, Philippines – Pinalawig ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang biyahe ng kanilang mga train ngayong buwan ng Kapaskuhan.

Ayon sa LRMC, simula kahapon, Disyembre 3 hanggang   23 ng taong kasalukuyan, ang biyahe ng LRT ay mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Mula Baclaran Station  kada sampung minuto ang dating ng train simula alas-9:30 ng gabi, at kada 15 minuto naman ang dating ng train simula alas- 10:00 ng gabi.

Sa Roosevelt Station naman, darating ang tren mula alas-10:00, alas-10:10, alas- 10:20 at alas -10:30 alas -10:45 at alas 11:00 ng gabi.

Ang hakbangin ng pamunuan ng LRT ay  para na rin sa mga pasahero na ginagabi sa pamimili sa mga mall at pasyalan ngayon panahon ng Kapaskuhan.

Samantala, mula naman  sa dating 13, tinatayang aabot na sa  22 train ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ang maaari nang bumiyahe kada araw, ayon ito kay Officer-In-Charge (OIC)  General Manager Deo Manalo.

Sinabi ni Manalo na mala­king tulong ito sa mga pasahero dahil sa  unang bahagi ng buwan noong  Enero, 2016 ay nasa 13 lamang ang bumibiyahe na train  at ito ay hindi sasapat sa  libu-libong  mananakay.

Sa ngayon aniya ay  nasa  20 train ng MRT ang bumibiyahe at hindi kasama ang dala­wa pa na magsisilbing reserba naman sakaling magka-aberya.

Inayos na rin ng pamunuan ng MRT ang mga riles upang hindi na muling magkaroon ng aberya.

Ayon kay Manalo, nasa 6,000 pasahero kada biyahe ang sumasakay sa MRT at  inaasahang tataas pa ngayong holiday season.

Tiniyak rin nito  na ngayon Christmas season ay sapat ang kanilang mga train na bumibiyahe para magbigay serbisyo sa mga commuters.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with