^

Police Metro

Fratman binoga

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang fratman ang nasawi matapos na pagbabarilin  ng kalabang fraternity sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/ Supt. Lito E. Patay, hepe ng Batasan Police Station 6 ang biktima na si Allan Ravarra,  35 -anyos, painter, binata, miyembro ng AKHRO fraternity at kasalukuyang nakatira sa No. 95 Dhalia St., Brgy. Payatas,QC.

Si Ravarra  ay agad na nasawi sa crime scene  dahil  sa tinamong mga tama ng bala sa   ulo at katawan.

Sa report ng Criminal Investigation  and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, bandang alas - 10 nang maganap ang madugong insidente  sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Sinasabing nakatayo lamang umano si Ravarra at nagpapahangin sa tapat ng kanyang bahay nang bigla na lamang sumulpot ang  tatlong motorsiklo na sinasakyan ng pitong kalabang fratman na nakasuot ng ski mask at helmet saka pinagbabaril ito. Isinasai­lalim pa sa imbestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment

FRATMAN BINOGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with