^

PSN Opinyon

Turismo pang-ahon mula sa karalitaan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MADALAS sabihin na mabilis ang kita sa turismo. Mula sa bawat turista kumikita ang pinaka-malaking otel hanggang sa pinaka-munting tindera ng banana-que sa kalye. Hindi bababa sa $1,000 o P50,000 ang ginagastos ng bawat dayuhang turista sa isang linggo. Dapat masilo ito ng Pilipinas -- lalo na’t tatlo sa sampung pinaka-pasyalang isla ng dayuhan ay nasa bansa, ayon sa Travel and Leisure Magazine. Nariyan ang Palawan, No. 1 sa listahan, Boracay na No. 2, at Cebu na No. 6.

Lamang na lamang ang Pilipinas, kung biyaya ng Diyos na magagandang tanawin ang pag-uusapan. No. 5 lang ang Santorini at No. 10 ang Bali sa saliksik ng T&L. Ni wala roon ang Phuket, ang pambato ng Thailand­. Pero bakit mas maraming dumadayo taon-taon sa Phuket kaysa buong Pilipinas?

Dalawa ang pangunahing rason. Una, mahusay ang imprastruktura sa Phuket. May bagong international air­port doon na kaya ang 12.4 milyong pasahero kada taon. Ang lumang airport na pang-domestic flights na lang ay kaya ang 6.5 milyong pasahero. Mas mababa ang pinagsamang kapasidad ng Palawan, Boracay, at Cebu airports. Hindi nakakatulong ang Manila International Airport dahil sa runway congestion at kabulokan ng pasilidad at serbisyo nu’n. Tiyak naaalala ninyo ang salot na “tanim-bala” at airport taxi extortions. Sa panghi at dumi ng kubeta ng airports sa Pilipinas ay maduduwal ang turista.

Pangalawa ay panglahatang plano. Sakop nito ang iisang tema ng marketing o pagbenta ng bansa bilang pasyalan, hanggang sa training ng mga manggagawa sa turismo. Imbis na mag-imbento pa ng iba, sana ituloy na lang ng Duterte admin ang subok nang tema na “It’s More Fun in the Philippines.” At para masiyahan ang turista, dapat hasain ang travel agents, tour guides, waiters, masahista, drivers, boatmen, atbp.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

JARIUS BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with