^

Probinsiya

OFW ni-rape na, pinagnakawan pa

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
OFW ni-rape na, pinagnakawan pa
Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Mylene, may-asawa ng Dasmariñas, Cavite, paluwas na siya sa Maynila upang puntahan ang kanyang agency at bandang alas-4:30 ng umaga nang sumakay siya sa nag-aabang na tricycle sa Brgy. Mabini Homesite at nagpahatid sa Cabanatuan City Central Transport Terminal sa Brgy. D.S. Garcia. Imbes na ihatid siya sa terminal, ibang lugar ang tinahak ng tricycle hanggang sa dalhin siya sa isang madamong bakanteng lote sa Bgry. Padre Crisostomo.
File photo

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Isang 25-anyos na overseas Filipino worker (OFW) mula Saudi Arabia na nagbabakasyon lang sa lungsod na ito ang umano’y ginahasa at pagnakawan ng drayber ng sinakyan nitong tricycle at abandonahin sa bakanteng lote sa ilang na lugar sa Bgry. Padre Crisostomo ng lungsod na ito noong Miyerkules ng madaling-araw.  

Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Mylene, may-asawa ng Dasmariñas, Cavite, paluwas na siya sa Maynila upang puntahan ang kanyang agency at bandang alas-4:30 ng umaga nang sumakay siya sa nag-aabang na tricycle sa Brgy. Mabini Homesite at nagpahatid sa Cabanatuan City Central Transport Terminal sa Brgy. D.S. Garcia. Imbes na ihatid siya sa terminal, ibang lugar ang tinahak ng tricycle hanggang sa dalhin siya sa isang madamong bakanteng lote sa Bgry. Padre Crisostomo.

Tinakot umano siyang papatayin ng ‘di kilalang driver kung hindi susunod sa mga ipag-uutos nito hanggang sa siya ay gahasain.

Tinangay din ng suspek sa biktima ang 18K necklace at handbag na may laman na P1,200, Samsung J7 phone, passport, TIN ID, passbook ng Security Bank, relong Skechers at iba pang personal na gamit. Panga­lawang beses pa lamang na nagtutungo umano sa lugar ang biktima upang dalawin ang kaibigan.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with