^

Bansa

Hepe ng Davao City police ‘di na sisibakin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na itutuloy ni Davao City Mayor  Sara Du­terte-Carpio  ang pagsibak sa kanilang hepe ng pulisya na si P/Senior Supt. Michael John Dubria.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Mayor Sara matapos una nang ipag-utos kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” de la Rosa ang pagsibak  kay Dubria bunga ng madugong pambobomba sa night market sa Roxas Avenue, Davao City noong Setyembre 2 kung saan 15-katao ang namatay habang 70 naman ang nasugatan.

Samantala, bukod kay Dubria ay ipinasibak din ni Mayor Sara si Task Force Davao City Col. Henry Ro-binson Jr., na agad namang ipinatupad ng Army’s 10th Infantry Division.

Una nang sinabi ni dela Rosa nang matanggap ang kautusan ni Mayor Sara na kakausapin muna niya ang alkalde dahil mahirap maghanap ng hepe na kabisado ang kalakaran sa nasabing lungsod.

Sa kabila nito ay binigyan din ng listahan ni dela Rosa si Mayor Sara ng mga opisyal na posibleng pagpilian nito para humalili kay Dubria. 

Kabilang sa mga inirekomenda ay sina P/Senior Supts. Antonino Yarra, Albert Ocon at Milo Pagtalunan pero wala umanong mapili ang alkalde.

Sa halip, sinabi ni Mayor Sara na binabawi na niya ang pagpapasibak kay Dubria dahil hindi niya nais na magtalaga ng bagong hepe na hindi ramdam ang pait ng pambobomba sa kanilang lungsod.

vuukle comment

HEPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with