8 tulak arestado sa droga
BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng walo-katao na sinasabing drug peddler makaraang masakote ng pulisya sa inilatag na magkakasunod na buy-bust operation sa Barangay Batia, bayan ng Bocaue, Bulacan noong Martes ng madaling araw.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Danfil “Joey” Bonggot, 42; Wendell Caluag,18; Mark Christian Asistio, 27; Luzminda Ramos, 42; Bienvenido Tibar, 52; Helen Conde, 60; Jayson Lucero, 28; at si Eduardo Ariza, 52, mga nakatira sa Saint Martha Homes Subd. sa Brgy. Batia sa nasabing bayan.
Sa ulat ni P/Supt. Charlie Cabradilla, narekober sa mga suspek ang 21-plastic sachets ng shabu, mga drug paraphernalia, at P3,000 cash marked money na ginamit sa operasyon.
- Latest