‘Tulak’ sa Marikina, tinodas
MANILA, Philippines – Isang lalaking kasama sa drug watch list ng pulisya ang binaril at napatay ng ‘di kilalang suspek sa kanyang tahanan sa Brgy. Parang, Marikina City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Manny Carvahal, residente ng Brgy. Parang, Marikina City.
Batay sa ulat ng Marikina City Police, kasalukuyan na umanong nagpapahinga ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang bigla na lang barilin ng suspek dakong alas-10:30 ng gabi bago mabilis na tumakas.
Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek gayundin ang motibo ng krimen, bagamat malaki ang paniniwala ng mga ito na may kinalaman din sa ilegal na droga ang insidente, dahil ang biktima ay kasama umano sa drug watch list ng pulisya.
- Latest